Categories
Life in School

Paano Mag-enrol S.Y. 2020-2021? Las Piñas Public Schools

Paano mag-enrol sa public school with in Las Piñas?

May dalawang paraan para mag-enrol.

  • Online Enrollment
  • On Site Enrollment

Alamin.

ONLINE ENROLLMENT

Simula June 1, 2020 gamit ang inyong laptop, tablet o cellphone ay makipag-ugnayan sa dating guro ng inyong mga anak upang malaman ang ankop na online enrolment sa inyo.

Narito ang dalawang ONLINE ENROLLMENT na inyong mapagpipilian:

1. Sariling pagsagot sa Learner Enrolment Survey Form (LESF). Ibibigay ni teacher ang link ng Google Form na inyong sasagutan gamit ang inyong laptop, tablet o cellphone.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3266974163333800&id=118406811523900

2. Online interview. Si teacher ang maaring sumagot sa Learner Enrolment and Survey Form (LESF) para sa inyo sa pamamagitan ng phone call o text messages.

Para sa mga Incoming Kinder, Transferees, Balik Aral at ALS enrollees. Tumawag lamang sa numero ng paaralang papasukan ng inyong mga anak.

ON SITE ENROLLMENT

Kung ayaw mo naman ng Online Enrollment, simula June 16, 2020 ay maaring kumuha ng enrollment form sa mga Kiosk Box sa mga itatalagang lugar na sa inyong barangay. (Mga Purok, Brgy. Hall at sa mismong paaralan.)

Pagkatapos sagutan ay ibalik ito sa mismong pinagkuhanan.

Para sa mga katanungan tungkol sa enrolment form, maaaring magtanong sa Enrolment Focal Person na nagungulekta ng forms.

Lahat ng impormasyon ay pribado at gagamitin lamang sa paaralan.

Sumunod po tayo sa mga alituntuning pangkaligtasan.

  • Magsuot ng facemask at kung kaya pati face shield.
  • Pagsunod sa proper physical distancing.

Sana po ay makatulong sa inyo. Ingatan po ang mga bata and keep safe.

Teacher Cherry

By Teacher Cherry

As a teacher, I am a member of a team in our society, assigned to retain learnings in my students. I owe this to the community.

3 replies on “Paano Mag-enrol S.Y. 2020-2021? Las Piñas Public Schools”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *