Maging handa sa unang araw ng pagkuha ng mga Learning Packets sa PVES.
Kung alam mo na ang pangalan ng teacher ng iyong anak, narito ang mga proseso.
1. School Health Protocol.
Step 1: Temperature Check. Para sa kaligtasan ng lahat, ang lahat ng may lagnat ay manatili muna sa inyong tahanan o mas mainam na magpacheck-up sa Health Center.
Step 2: Maghugas ng Kamay. Pagpasok sa school may handwashing area sa gilid ng gate. Ang mga tissue ay nakahanda narin para sa mga kukuha ng Learning Packets.
Step 3: Sagutan ang Health Declaration Form. Isulat ang mga hinihinging impormasyon para sa contact tracing. May nakahandang alcohol sa tabi ng logbook para sa pagdisinfect ng mga kamay. HUWAG KALIMUTANG MAGDALA NG SARILING BALLPEN.
2. Receiving Area
Dito makukuha ang mga Learning Packets at mga Libro. Mahalagang alam ng magulang ang pangalan ng teacher ng kanyang anak upang malaman kung saang receiving area makukuha ang mga Learning Packets. Alalahaning magkasabay na ipamimigay ang mga Learning Packets at mga libro kaya hindi ito magkasya sa Pigeon-Hole. Ang PVES ay maglalaan ng dalawang classrooms na magiging receiving area para sa unang araw ng pagbibigay ng Learning Packets.
3. Exit.
Kung nakuha na ang Learning Packet at mga libro ng bata at nakapirma na sa forms ni Teacher ay agad nang lumabas ng school. Tandaang 15 katao lang ang maaring magsabay-sabay sa loob ng school para sa social distancing.
KAILAN ANG UNANG ARAW NG KUHANAN NG LEARNING PACKETS?
*Huwag kalimutang magfacemask at face shield.
Trust in the LORD with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight. (Proverbs 3:5-6)
11 replies on “Alamin: Mga Dapat Tandaan sa Pagkuha ng Learning Packet sa PVES (Unang Pagkuha) Updated: September 3, 2020”
Ang galing te,big help to sa mga guro at magulangπππππ
Thank you Ma’am Che…this is an informative guide to parents
Thanks po sa mga guro na gumagawa ng paraan para mag patuloy sa pag aaral ang aming mga anak god bless po sa into
Keep safe always..
Kayo din po.
maraming salamat po sa lahat ng teacher sa P. V. E. S
GODBLESS PO
Nice one
This platform is especially designed for the New Normal set up of education. It is such a great help to parents, guardians and teachers as well. It enables them to become aware of how they can adapt to the changes brought by the COVID19 pandemic.
maraming salamat po sa lahat ng teacher sa P. V. E. S
GODBLESS PO
Thank you so much all teacher for making possible for us parent to continue the education of our children.. your efforts are very much appreciated..
My question is,. If the parents itself doesn’t understand the lesson and the studens too,(specially in Math) kanino po pwedeng magtanong or magpaturo?
Yes po this is one of the challenges that we will be facing this school year. You may ask their teacher regarding the lessons so you will be guided.
Thank you teacher che!