Categories
Life in School

Mga Dapat Malaman nina Nanay at Tatay sa Pagkuha ng mga Learning Packets

Unang pagkuha ng mga Learning Packets sa Pilar Village Elementary School. Handa ka na ba? Alam mo na ba ang mga dapat mong dalhin? Iwasan ang pabalik-balik sa bahay dahil may naiwan. Aksaya ito sa panahon.

Narito ang mga dapat tandaan upang maiwasan ang mga problema sa unang araw ng pagkuha ng Learning Packet.

1. Teacher , Grade and Section

Mahalagang alam mo at ng iyong anak ang pangalan ng kanyang teacher pati na ang kanyang grade at section. Si Teacher ang siyang unang tao na makakasagot sa iyong mga katanungan tungkol sa edukasyon ng inyong anak. Alamin sa fb page ng Pilar Village Elementary School ang grade at section ng inyong anak. https://m.facebook.com/1090855854308067

2. Schedule

Ang pagkuha ng Learning Packets ay hindi sabay-sabay upang maiwasan ang pagkumpulan na maaring maging sanhi ng pagkalat ng COVID 19 Virus. May nakalaang araw at oras ang bawat grade at section sa pagbigay ng Learning Packets.

Mas mainam na sa mismong schedule makuha ang Learning Packet ng inyong anak. Magkakaroon ka ng pagkakataon na makaharap ang guro at personal mong makukuha ang kanyang ihahabilin tungkol sa mga modules.

3. Health Protocols

Umaasa ang lahat na matapos na ang kasalukuyang problema na kinakaharap ng mundo, ang COVID19. Responsibilidad ng isa’t isa ang kaligtasan ng bawat isa. Ang pagsunod sa Health Protocols ng paaralan sa pagkuha ng mga Learning Packets ay makatutulong sa pag-iwas sa kumakalat na virus.

Mga Daapt Gawin:

  1. Magpakuha ng body temperature.
  2. Dumaan sa handwashing area upang maghugas ng kamay.
  3. Sagutan ang Health Declaration Form at ihulog ito sa Health Declaration Box.

Mga Dapat Tandaan:

  1. Magsuot ng facemask at face shield.
  2. MagSocial Distancing
  3. Limitado lang sa 10 magulang bawat section ang maaring sabay na makakapasok sa paaralan.
  4. Limitahan ang walang makabuluhang usapan sa loob ng paaralan.
  5. Gumamit ng sariling ballpen.

4. Proseso ng Pagkuha ng Learning Packet

Ang proseso ay maaaring magbago depende sa sitwasyon. Gayon pa man mas mapapabilis ang lahat kung alam mo na ang iyong mga pagdadaanan.

“Be watchful, stand firm in the faith, act like men, be strong.” – 1 Corinthians 16:13

Teacher Cherry

By Teacher Cherry

As a teacher, I am a member of a team in our society, assigned to retain learnings in my students. I owe this to the community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *