Unang pagkuha ng mga Learning Packets sa Pilar Village Elementary School. Handa ka na ba? Alam mo na ba ang mga dapat mong dalhin? Iwasan ang pabalik-balik sa bahay dahil may naiwan. Aksaya ito sa panahon.
Narito ang mga dapat tandaan upang maiwasan ang mga problema sa unang araw ng pagkuha ng Learning Packet.
1. Teacher , Grade and Section
Mahalagang alam mo at ng iyong anak ang pangalan ng kanyang teacher pati na ang kanyang grade at section. Si Teacher ang siyang unang tao na makakasagot sa iyong mga katanungan tungkol sa edukasyon ng inyong anak. Alamin sa fb page ng Pilar Village Elementary School ang grade at section ng inyong anak. https://m.facebook.com/1090855854308067
2. Schedule
Ang pagkuha ng Learning Packets ay hindi sabay-sabay upang maiwasan ang pagkumpulan na maaring maging sanhi ng pagkalat ng COVID 19 Virus. May nakalaang araw at oras ang bawat grade at section sa pagbigay ng Learning Packets.
Mas mainam na sa mismong schedule makuha ang Learning Packet ng inyong anak. Magkakaroon ka ng pagkakataon na makaharap ang guro at personal mong makukuha ang kanyang ihahabilin tungkol sa mga modules.
3. Health Protocols
Umaasa ang lahat na matapos na ang kasalukuyang problema na kinakaharap ng mundo, ang COVID19. Responsibilidad ng isa’t isa ang kaligtasan ng bawat isa. Ang pagsunod sa Health Protocols ng paaralan sa pagkuha ng mga Learning Packets ay makatutulong sa pag-iwas sa kumakalat na virus.
Mga Daapt Gawin:
Magpakuha ng body temperature.
Dumaan sa handwashing area upang maghugas ng kamay.
Sagutan ang Health Declaration Form at ihulog ito sa Health Declaration Box.
Mga Dapat Tandaan:
Magsuot ng facemask at face shield.
MagSocial Distancing
Limitado lang sa 10 magulang bawat section ang maaring sabay na makakapasok sa paaralan.
Limitahan ang walang makabuluhang usapan sa loob ng paaralan.
Gumamit ng sariling ballpen.
4. Proseso ng Pagkuha ng Learning Packet
Ang proseso ay maaaring magbago depende sa sitwasyon. Gayon pa man mas mapapabilis ang lahat kung alam mo na ang iyong mga pagdadaanan.
“Be watchful, stand firm in the faith, act like men, be strong.” – 1 Corinthians 16:13
Ang New Normal ay nababakas na sa kasalukuyan nating pamumuhay.
Hindi natin namamalayan na kusa na nating ginagawa ang mga health protocols na binababa sa atin ng DOH. Mapapansing madalas ay hindi na kailangan pang paalalahanan ang karamihan na magsocial distancing o magsuot ng facemask. Alam na ng lahat na ang tamang paghuhugas ng kamay ay isang paraan sa pag-iwas sa sakit. Sa pagbubukas ng klase, panibagong new normal nanaman ang ipakikilala natin sa ating mga mag-aaral. Siguradong maninibago ang mga bata, kaya mas mainam na sila ay maihanda sa New Normal Classes. Narito ang mga pinagsama- samang payo mula sa ating mga kaguran para sa paghahanda ng ating mga anak sa New Normal Classes.
Regular Study Time
Study Corner
Gadget Time
Health Protocol
Parental Guidance
Regular Study Time.
Unti-unting sanayin ang bata na mag-aral sa parehong oras araw-araw. Palaging ipaalala sa kanya ang oras ng kanyang pag-aaral hanggang sa masanay siya at kusa na niya itong gawin araw-araw. Ngayong wala pang pasok, ilaan ang study time sa:
A. PAGBABASA
B. Pagsanay sa Four Fundamental Operations ng Mathematics. (Four Fundamental Operations ng Mathematics: Addition, Subtraction, Multiplication at division).
Ito ang mga kasanayang kailangan niyang mapaunlad lalo na sa Modular Learning. Isaisip na ang mga bata ay sadyang nangangailangan ng paalala kaya masanay narin tayong paulit-ulit na nagpapaalala sa kanila.
Study Corner. Maglaan ng lugar sa loob ng bahay na magiging study area ng bata. Hindi kailangang ito ay malawak. Maaaring ito ay nasa isang sulok ng bahay lamang at hindi nadadaan-daanan.
Gadget Time. Ang lahat ng sobra ay nakasasama. Sa panahon ngayon na wala silang halos mapaglibangan sa loob ng bahay ay lalo silang nahuhumaling sa cellphone, computer at iba pang gadgets. Kung tayong mga matatanda ay nahihirapang kumawala sa libangang ito, ganoon din ang mga bata. Mainam na gawing reward ang Gadget Time pagkatapos ng Study Time. Sa ganitong paraan ay pursigido silang tapusin ang kanilang oras ng pag-aaral. Hayaan silang masanay na may oras din ang kanilang paglalaro ng gadget upang may oras parin sila sa pamilya at sa mga gawaing bahay.
Health Protocols. Ang mga health protocols ay nararapat na hindi lang alam ng mga bata, dapat sanay din silang gawin ito. Ang tamang paghugas ng kamay kahit na nasa loob lang ng tahanan ay mainam na paraan sa pag-iwas sa sakit. Lalo na sa parating na New Normal Classes.
Parental Guidance. Hindi kailangang maging teacher para matuto ang anak. Ang simpleng pagtanong lang ng kung ano ang napag-aralan ng bata ay maari nang humantong sa marami pang tanungan o mas mainam na usapan. Isa itong paraan ng paggabay sa pag-aaral ng anak. Makatutulong na masanay silang nagtatanong ang magulang pagkatapos ng itinakdang oras ng pag-aaral. Ang pakiramdam na alam nilang inaalam mo bilang magulang ang mga natutunan nila ay isang paraan ng pagsanay at pagpupursige sa kanila na intindihing mabuti ang kanilang pinag-aaralan.
Narito pa ang ilang payo mula sa ating mga kaguruan:
Bilang magulang, ibayong paghahanda ang aking ginagawa para sa new normal classes ng aking anak. Una, sinigurado ko na nakapagpatala ang aking mga anak sa paaralang papasukan nila. Dahil kakaiba ang magiging pamamaraan ng pag-aaral ngayon, pinag-isipan ko kung anong learning modality ang nararapat sa aking mga anak. Kasabay ng kagustuhan ko na makapagpatuloy sila ng pag-aaral, nais ko ring tiyakin ang kanilang kaligtasan. Naging open ang komunikasyon namin ng magiging guro ng anak ko para updated sa mga impormasyon patungkol sa bagong set up ng pag-aaral sa New Normal. Madalas ko ring kausapin ang aking mga anak kung ang ano-ano dapat gawin habang hindi nagsisimula ng klase gaya ng pagbabasa ng aklat, panonood ng mga makabuluhang palabas sa telebisyon at iba pang makabuluhang gawain na makakatulong na mapaunlad ang kanilang kaisipan. – Teacher Ma. Gracia R. Mapula
Reading and review sa math through window cards ang dapat pagtuunan para handa ang batapagdating ng modules.- Teacher SheenLee
Sanayin din sila sa arts or musical instruments para hindi puro gadgets.– Teacher Real Rose Advincula
Maging handa sa unang araw ng pagkuha ng mga Learning Packets sa PVES.
Kung alam mo na ang pangalan ng teacher ng iyong anak, narito ang mga proseso.
1. School Health Protocol.
Step 1: Temperature Check. Para sa kaligtasan ng lahat, ang lahat ng may lagnat ay manatili muna sa inyong tahanan o mas mainam na magpacheck-up sa Health Center.
Step 2: Maghugas ng Kamay. Pagpasok sa school may handwashing area sa gilid ng gate. Ang mga tissue ay nakahanda narin para sa mga kukuha ng Learning Packets.
Step 3: Sagutan ang Health Declaration Form. Isulat ang mga hinihinging impormasyon para sa contact tracing. May nakahandang alcohol sa tabi ng logbook para sa pagdisinfect ng mga kamay. HUWAG KALIMUTANG MAGDALA NG SARILING BALLPEN.
2. Receiving Area
Dito makukuha ang mga Learning Packets at mga Libro. Mahalagang alam ng magulang ang pangalan ng teacher ng kanyang anak upang malaman kung saang receiving area makukuha ang mga Learning Packets. Alalahaning magkasabay na ipamimigay ang mga Learning Packets at mga libro kaya hindi ito magkasya sa Pigeon-Hole. Ang PVES ay maglalaan ng dalawang classrooms na magiging receiving area para sa unang araw ng pagbibigay ng Learning Packets.
3. Exit.
Kung nakuha na ang Learning Packet at mga libro ng bata at nakapirma na sa forms ni Teacher ay agad nang lumabas ng school. Tandaang 15 katao lang ang maaring magsabay-sabay sa loob ng school para sa social distancing.
KAILAN ANG UNANG ARAW NG KUHANAN NG LEARNING PACKETS?
*Huwag kalimutang magfacemask at face shield.
Trust in the LORD with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight. (Proverbs 3:5-6)
Ngayong school year 2020-2021, hindi lahat ay kaya magOnline Learning. Ang iba ay magsasailalim sa Modular Learning.
Paano isasagawa ang Modular Learning?
Mga salitang dapat tandaan:
🍒Learning Packet– Isang malaking lagayan (sa PVES malaking plastic envelope ang ginamit naming Learning Packet) na naglalaman ng mga modules bawat linggo.
🍒 Pigeon-Hole mga shelf na lagayan ng mga Learning Packets. Nakaayos ito by grade and section.
🍒Module– Dito mababasa ang mga aralin at mga dapat matutunan ng mga bata. Laman din nito ang mga mga dapat sagutan para sa buong linggong aralin.
Mga dapat gawin:
I–enrol sa Modular Learning ang bata. Mula June 1 ay nagsimula na ang Online at On site Enrolment. Piliin lang sa Enrolment Form ang Modular Learning.
2. Alamin ang Pangalan ng Teacher at Section ng Bata. Siguraduhing alam mo ang pangalan ng teacher at ang section ng inyong anak upang malaman kung saang parte ng Pigeon Hole makukuha ang kanyang Learning Packet. Maaring malaman ang mga impormasyon sa Official FB page ng PVES:
https://www.facebook.com/thepilar/
3. Kumuha ng Learning Packet sa Pigeon-Hole. Ang Learning Packet ng bawat mag- aaral na nakaenrol sa PVES ay may kanya kanyang pangalan, kaya siguraduhin lang kung kaninong teacher at anong section nakaenrol ang anak. Ang unang Learning Packet na matataggap ng inyong anak ay maglalaman ng mga sumusunod:
🍒mga libro
🍒mga modules
🍒 Instructional Plan (para sa mga magulang)
🍒libreng face mask galing sa mga donasyon sa Brigada Eskwela 2020
🍒abakada sa mga mag-aaral sa Grade 1( galing sa mga donasyon sa Brigada Eskwela 2020)
*Mahalagang makipag-ugnayan sa guro ng inyong anak kung mag-aasign ito ng araw kung kailaan pwedeng kumuha ng Learning Packetat kung kailan niya ito ipapabalik upang macheck.
SA KAUNA-UNAHANG PAGKUHA NG MGA LEARNING PACKETS:
Asahan na hindi magkasya sa loob ng Pigeon-Hole ang mga Learning Packets dahil sa mga libro. Ang PVES ay maglalaan ng mga lugar sa loob ng paaralan na siyang pansamantalang angkop na pagkukuhanan ng mga ito para sa unang araw.
4. Ipabasa sa Bata ang mga Modules at Pasagutan. Ang mga modules na matatanggap ay babasahin at pag-aaralan ng mga bata upang masagutan ang mga worksheets na nakalakip dito.
5. Ibalik sa Paaralan ang Learning Packet. Pagkatapos masagutan ang mga modules ay ibalik sa paaralan ang mga Learning Packets upang maiwasto ng mga Teacher ang mga Activity Sheets. Maglalaan si Teacher ng kahon ng kanyang section para sa mga ibabalik na Learning Packets.
*Mahalagang makipag-ugnayan sa guro ng inyong anak kung mag-aasign ito ng araw kung kailaan pwedeng kumuha ng Learning Packetat kung kailan niya ito ipapabalik upang macheck.
Update:
Noong July 25, 2020 ay nag umpisa ang dry run ng Modular Learning ng PVES. Dinaluhan ito ng mga magulang ng Grade Six Amorsolo, Kinder Saging at Kinder Papaya sa gabay ng kanilang mga guro na sina Master Teacher Medardo Dilig at Teacher Cheloubel Badayos. Kasama din sa dry run ang mga mag-aaral ng ALS at ang kanilang guro na si Teacher Anamie Delos Angeles.
Video Clip by: Teacher Joyce Bernardo
Bilang isang magulang ano ang maiaambag ko sa MODULAR LEARNING?
Gabayan ang mga anak sa pag-aaral gamit ang mga modules. –Ms. Imelda Serafico (Master Teacher)
Maging kaagapay ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyong pang-edukasyon. – Mr. Edsel Acuba (Master teacher)
Disiplinahin ang mga anak na aralin at gawin ang mga modules at worksheets. – Mrs. Maria Dulce T. Terrado (Master Teacher)
-Ang mga magulang ang magsisilbing kaagapay ng mga guro sa pagkatuto ng mga mag aaral sa ating bagong sistema ng pag -aaral . Sa kanila nakadepende ang panuntunan kung paano nila bibigyan ng tamang paggabay at disiplina sa tamang iskedyul ang mga mag -aaral upang makasunod sa mga araling nakatakda sa bawat asignatura.Tulungan sila na lubos na maunawaan ang mga araling nkapaloob sa bawat modyul na ibibigay ng kanilang guro at maisumite sa takdang panahon at maging handa sa mga susunod pang aralin. Huwag ding kakaligtaan ang palagiang pag – iingat at pagsunod sa “safety measures” sa lahat ng oras .Sa ganitong paraan, magiging maayos ang pagkakatuto ng mga mag -aaral sa kabila ng nararanasan nating “New Normal” – Mrs. Evelyn P. Amorsolo (Master Teacher II)
Sobrang napkahalaga ng tulong at suporta na kailangang ibigay ng mga magulang para sa edukasyon sa ganitong panahon na kung saan ay di pwede ang face to face learning system. Sila ay makakatulong ng malaki sa pamamagitan ng pagsunod, pakikiisa at suporta sa mga alituntunin na ilalabas ng DepEd. Unang una na diyan ang pakikipagcommunicate sa mga adviser ng kanilang anak upang agarang masolusyunan ang problemang maaaring kaharapin tulad nalang ng pagkuha ng mga learning packet at kung paano nila gagabayan ang kanilang mga anak upang matutunan ang mga aralin. Ilan lamang yan sa mga pangunahing tulong na maibibigay nila sa panahong ito upang kahit papaano ay maisulong natin ang Edukalidad sa ating bansa. – Mr. Eddie B. Mendez (Master Teacher)
Ang Deped ay patuloy na mghahanap ng mainam na pamaraan upang hindi maantala ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Ang pagkaantala ng kanilang pagkatuto ay hindi mainam sa kanilang paglago. Habang bata pa mas malaki ang kanilang kapasidad na matuto.
Ang sitwasyon natin ngayon ay pansamantala lamang. Limitado man ang mga magagawa natin ngayon para sa mga mag-aaral, atin parin itong pagsikapan para sa kinabukasan. Matatapos din ang dagok na ito sa awa ng Diyos.
Ito iyong mahalagang pagkakataon para sa mga magulang na tumulong. Kung dati inaasa lang sa mga guro ang edukasyon ng mga anak natin, ngayon higit silang kailangan ng mga bata. Hindi ligtas lumabas sa bahay ang mga bata. Ang pagsubaybay nila at paggabay sa mga anak ang susi sa patuloy na edukasyon ng mga bata. –Mr. Rodulfo Magdamit
Matthew 19:26
Jesus looked at them and said, “With man this is impossible, but with God all things are possible.”
Sa panahon ngayon lahat tayo ay nangangailangan din ng tulong.
Ang PVES Brigada Eskwela 2020 ay naglalayong makatulong hindi lamang sa paaralan,kung hindi pati narin sa komunidad.
Alam mo ba na may mga paraan na hindi mo na kailangang pumunta sa paaralan upang makibrigada? Higit sa lahat hindi lahat ng aktibidad ng PVES Brigada Eskwela 2020 ay nangangailangan ng pinansyal mong suporta.
Alamin natin ang mga paraan na aangkop sa inyo upang makibahagi sa PVES BRIGDA ESKWELA 2020.
Maging aktibo sa pagkalat ng impormasyong pamBrigada Eskwela 2020. Panahon nang gamitin ang ating mga social accounts sa facebook, youtube, twitter, Instagram at iba pa sa pagpakalat ng mga tamang impormasyong makakatulong sa Brigada Eskwela. Ating himukin ang ating mga friends at followers na makiisa sa pagbangon ng kalidad ng edukasyon hindi lamang sa ating baranggay pati narin sa buong Pilipinas.
Eshare ang mga infographics na pinapakalat ng Facebook page ng PVES BRIGADA ESKWELA 2020.
Maaring pansamantalang lagyan ng Brigada Eskwela 2020 frame ang inyong Profile Picture sa Facebook. Isang paalala na kayo’ y kabrigada. Halimbawa ay ang mga sumusunod na profile pictures:
Available sa Facebook frames sa profile picture ng account ninyo.
May Premyo sa Hardin mo. Ito ang isa sa pinakamagandang programa ngayong ng PVES BRIGADA ESKWELA 2020, kung saan hinihimok ang lahat na magtanim. Ito’y walang bayad. Sa halip ang mga kalahok ay makakatanggap ng mga starter kits upang makapag umpisa nang magtanim.
Starter kits from YOUTH UPRISING
Narito ang infographics kung paano.
Infographics from https://facebook.com/ pvesbrigada/
Donation. Magtext o tumawag sa numerong 09273569894 at hanapin si Ma’am Shirley R. Parreno ang Brigada Eskwela Chairman PVES upang ipagbigay alam ang ditalye ng inyong mga maidodonate. Lahat ng donasyon ay tinatanggap ng paaralan, maliit man o malaki, konti man o marami basta’t sa ikabubuti ng mga kabataan.
Kapag ang problema ay hindi makalabas ng bahay para magdonate, wag mag alala ang PVES ay may LALABOY (Sir Eric Tabuzo) ang official courier ng PVES BRIGADA ESKWELA 2020 na siyang ready magpick-up ng donation ninyo. Narito ang mga halimbawa ng maaari ninyong maidonate:
Ang malilikom na mga ABAKADA ay para sa mga mag-aaral ng PVES.
Narito pa ang ilan sa mga halimbawa ng maaari mong maidonate.
Talagang malaking tulong ang mga donasyon lalo na kung kaya mo. Kahit paisa-isa o bultuhan man yan, pag pinagsama ay makakapagbahagi na sa lahat ng grade levels na lubos na nangangailangan ng ganitong materyales.
Sa mga hindi naman makapagdonate ay may paraan upang ikaw ay makibrigada. Iparamdam mo lang na ikaw ay kaisa namin sa hamong ito. Kung gusto may paraan.
Makiisa, makiPVES BRIGADA ESKWELA!
“And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased.”– Hebrew 13:16
“Brigada Eswela? May nakakahawang sakit sa paligid.”
“Brigada Eskwela? Wala namang pasok.”
Subukan mong humarap sa salamin at sabihin mo ang mga tanong na iyan.
May tama ano?
Pero ang nega sobra!
Kung iisipin mo nga naman. Walang wala ang Brigada Eskwela 2020 sa COVID 19. Halos lahat ng ginagawa sa Brigada ay face to face.
Pero sa positibong pananaw, sa ayaw at sa gusto natin itong sitwasyong kinasasadlakan natin ay lilipas din.
Mawala man o manatili ang COVID 19 ay meron na tayong tinatawag na NEW NORMAL.
Tumulong ka man at sa hindi may paaralan tayong madadatnan. Siyempre ang klase ng paaralang naghihintay sa atin sa dulo ng quarantine ay depende sa ating pamahalaan. Paaralang handa sa NEW NORMAL o PAARALANG NAGHAHANDA PALANG.
O
Harapin natin ang katotohanan na ang ating bansa ay isa sa mga tinatawag na Third World Country. Limitado ang kakayanang pinansyal. Kaya dito pumapasok ang Brigada Eskwela. Sa gamit palang sa paaralan ay salat na, paano pa kaya ngayong nangangailangan tayong makisabay sa New Normal?
Kung tayo ay magtutulungan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, mas maihahanda natin ang paaralan.
Ang tanong paano tayo makikiisa kung nasa paligid lang ang hindi nakikitang kalaban?
Paano Makiisa sa Brigada Eskwela?
Donation. Magtxt o tumawag sa numero ng inyong mga public schools kung ano ang pede mong maidonate. Narito ang halimbawang panawagan sa paaralan:
Ang bawat paaralan ay may kanya kanyang pamamaraan para mangalap ng mga donasyon. Halimbawa ay si LALABOY (Sir Eric) ng PVES na siyang official courier ng PVES BRIGADA ESKWELA 2020.
Makilahok sa mga Contest. Ang bawat paaralan ay may mga patimpalak na konektado sa Brigada Eskwela 2020 na hindi nangangailangan ng face to face na ugnayan. Halimbawa nito ang sumusunod.
Maging tagapakalat ng impormasyon. Karamihan sa atin ay may mga social accounts. Ito na ang tamang panahon para magpakalat ng tamang impormasyong makakatulong sa paaralan.
Oo, lamang na talaga ang COVID 19, pero ang Brigada Eskwela 2020 ay lumalaban parin. Hindi pwedeng sumuko para sa kinabukasan ng bansa natin.
Makiisa ka man o hindi, ipikit mo man ang mata mo habang ang lahat ay naghahagilap na ng paraan upang makibrigada, ang BRIGADA ESKWELA 2020 ng Department of Education ay paulit ulit na babangon para sa kinabukasan ng bayang ito.
Paghahandaan ng paaralan ang tamang panahon na muli itong magbubukas. Nawa’y makiisa ka sa hangarin nitong makabangon ang lahat.
“Education is the passport to the future, for tomorrow belongs to those who prepare for it today” – Malcolm X
May pag-asa sa Brigada Eskwela.
“For nothing will be impossible with God.” – Luke 1:37
Once upon a time, in a faraway land, lived a black and white kingdom, colonized by a very beautiful, but envious creature called “Manlilinlang”
THE BLACK AND WHITE KINGDOM by Teacher Shiela
Manlilinlang took all the colors in the kingdom even the citizens’ colors. All was left is black and white.
MANLILINLANG by Teacher Rhoda
They were once called the colorful kingdom. Everyone in the kingdom was naturally born with different bright colors from head to toe. They were full of colors and so happy with their lives, until Manlilinlang tricked them all.
She made all the people in the kingdom feel incomplete and eventually persuade them to exchange their colors with the things Manlilinlang offered. Until one day, people just woke up feeling sad for having a dull life without their colors.
Except to the young ones. They are in bright colors. They were happily playing around the palace and feeling contented with their lives. Amazed of their colors, Manlilinlang can’t trick them easily. So she will wait for them to grow and be old to finally fall in her trick.
Oneday, Manlilinlang met a young maiden. It shocked her and got her furious. “Oh my! Oh my! Who is she? Why does she still have her colors? She’s old enough to be colorful! This is ruining my day!” Manlilinlang complained to her soldiers.
“She is Princess Color. The princess of this palace. Her parents, the King and Queen, passed away,” the soldier replied.
PRINCESS COLOR by Teacher Joyce
“That was long time ago. Offer her pretty clothes in exchange of her colors,” Manlilinlang commanded. Soldiers went off and do as she said. Soon they returned without the princess’ colors.
“Offer her a big house with beautiful clothes,” Manlilinlang commanded. The soldiers followed at once, but failed to return with her demand. She was angry and her envy grows.
ANG BUHAY NI MANLILINLANG by Teacher Sheen
She started observing the princess, looking for a chance to trick her and have her colors. Visiting the princess everyday and talking to her was her way to offer things she might want, but the princess just kept on saying, “I wanted to have one, but I cannot exchange my colors for this.”
Until one day, the princess curiously asked. “You already have all the colors in the kingdom, why do you still want my colors?”
Manlilinlang started to get impatient.
Angry Manlilinlang
“These colors are God’s gift to us, others were not contented of what they have and easily give in” said the princess. “YOU ARE RUINING MY DAY! “ Manlilinlang was so angry. She transformed into her real self. Amazed, the princess looked at Manlilinlang closely. “You are so beautiful, Manlilinlang!” exclaimed the princess. Manlilinlang looked at her real self. She was so envious with everyone, claiming their colors and covered her real identity for so many years. Small sparkling crystals all over her body. Her eyes shine like green diamonds. With hair like sunshine in the morning covered with flowers were magnificent.
They continued talking for a long time.
Manlilinlang realized that she already have many things to be thankful. She doesn’t need others property to make her happy. She is even guarded by the most loyal creatures in land.
Slowly, her anger fades away. Her crystal skin sparkles feeling the contentment in her heart made her happy, unexpectedly.
“Thank you, Princess Color. Finally, I learned how to be happy. “ Manlilinlang was so glad and returned all the colors in the kingdom. She even gladly handed back the Kingdom to the princess and they became friends. Since then, the people once again found happiness in their hearts. They realized one important thing. The creator had given them enough to be happy.
The End
Friends give colors to my life, same goes with this short story where friends contributed their art works and skills to make it a beauty.
Special thanks to the following princesses.
Thank you Teacher Mary Joyce Bernardo for your youtube video of Princess Color. Videos in your youtube channel were awesome and this one is precious.
Thank you Teacher Rhoda Mae Boleros for the poster paint of Manlilinlang. That makes her character mysterious.
Thank you Teacher Shiela Rose Banate for the Black and White Kingdom acrylic painting. It is more than I imagined.
Thank you my dear friend Teacher Sheenlee Galeno for turning a a piece of drawing alive.
Thank you Teacher Shirley R. Parreño for editing the story to make it more readable.
(More artworks from friends will be uploaded soon, so watch out for it!)
Batid ng Department
of Education na maraming kabataan ang hindi pa nakapag ONLINE ENROLLMENT.
Ang Pilar Village
Elementary School ay nagpadala ng mga Kiosk Box na naglalaman ng mga
enrollment forms. Sa pangunguna ng aming mga Master Tearchers, Sir Eddie Mendez at Sir Rodulfo Magdamit, kasama ang aming Brigada Chairman, Ma’am Shirley Parreño sa tulong ng mga Non Teaching Personnels ng school. Aming sinuyod mga lugar sa loob ng Pilar Village na maaring paglagyan ng Kiosk Box.
Ito ang aming
tugon sa mga hindi nakapag-ONLINE ENROLLMENT.
Simula
June 16, 2020 ay maari nang kumuha ng enrollment form sa mga Kiosk Box sa mga sumusunod na lugar sa loob ng Pilar.
1.GLORIA COMPOUND
Ang
Kiosk Box sa lugar na ito ay matatagpuan sa LOURDES STORE sa pangangalaga ni
Kagawad FELIPE NERBES.
2. PAG-ASA COMPOUND
3. PUGAD LAWIN
4. MOLAVE
Nasa ibabaw lang po ng mesa ang Kiosk Box.
5. BARANGAY HALL
Sa tulong ng ating Kapitan ay nakapaglagay ang school ng kiosk box sa sa Baranggay Hall.
6. PILAR VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL
Mismong sa school ay maaaring kumuha ng forms.
Pagkatapos
sagutan ay ibalik ang form sa pinagkuhanang Kiosk Box.
Para sa
mga katanungan tungkol sa enrolment form, tumawag sa mga sumusunod na numero:
Mobile # 09611820706 Landline #: 8983-1192
At hanapin ang Enrolment Focal Person ng Pilar Village Elementary School:
Mr. Eddie Mendez.
Tandaan
na ang ON SITE ENROLLMENT ay para lamang sa mga hindi nakapag ONLINE ENROLLMENT.
Lahat
ng impormasyon ay pribado at gagamitin lamang sa paaralan.
Paalala:
Sumunod po tayo sa mga alituntuning pangkaligtasan.
·Magsuot ng facemask at kung kaya pati face shield.
·Pagsunod sa proper physical distancing.
Sana po
ay makatulong sa inyo. Ingatan po ang mga bata and keep safe.
Paano mag-enrol sa public school with in Las Piñas?
May dalawang paraan para mag-enrol.
Online Enrollment
On Site Enrollment
Alamin.
ONLINE ENROLLMENT
Simula June 1, 2020 gamit ang inyong laptop, tablet o cellphone ay makipag-ugnayan sa dating guro ng inyong mga anak upang malaman ang ankop na online enrolment sa inyo.
Narito ang dalawang ONLINE ENROLLMENT na inyong mapagpipilian:
1. Sariling pagsagot sa Learner Enrolment Survey Form (LESF). Ibibigay ni teacher ang link ng Google Form na inyong sasagutan gamit ang inyong laptop, tablet o cellphone.
2.Online interview. Si teacher ang maaring sumagot sa Learner Enrolment and Survey Form (LESF) para sa inyo sa pamamagitan ng phone call o text messages.
Para sa mga Incoming Kinder, Transferees, Balik Aral at ALS enrollees. Tumawag lamang sa numero ng paaralang papasukan ng inyong mga anak.
ON SITE ENROLLMENT
Kung ayaw mo naman ng Online Enrollment, simula June 16, 2020 ay maaring kumuha ng enrollment form sa mga Kiosk Box sa mga itatalagang lugar na sa inyong barangay. (Mga Purok, Brgy. Hall at sa mismong paaralan.)
Pagkatapos sagutan ay ibalik ito sa mismong pinagkuhanan.
Para sa mga katanungan tungkol sa enrolment form, maaaring magtanong sa Enrolment Focal Person na nagungulekta ng forms.
Lahat ng impormasyon ay pribado at gagamitin lamang sa paaralan.
Sumunod po tayo sa mga alituntuning pangkaligtasan.
Magsuot ng facemask at kung kaya pati face shield.
Pagsunod sa proper physical distancing.
Sana po ay makatulong sa inyo. Ingatan po ang mga bata and keep safe.
Simula June 1, 2020 gamit ang inyong laptop, tablet o cellphone ay makipag-ugnayan sa dating guro ng inyong mga anak upang malaman ang ankop na online enrolment sa inyo.
Narito ang dalawang ONLINE ENROLLMENT na inyong mapagpipilian:
1. Sariling pagsagot sa Learner Enrolment Survey Form (LESF). Ibibigay ni teacher ang link ng Google Form na inyong sasagutan gamit ang inyong laptop, tablet o cellphone.
2.Online interview. Si teacher ang maaring sumagot sa Learner Enrolment and Survey Form (LESF) para sa inyo sa pamamagitan ng phone call o text messages.
Para sa mga Incoming Kinder, Transferees, Balik Aral at ALS enrollees ay maaaring tumawag mula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m- 4pm sa mga sumusunod na numero.
Mobile # 09611820706 Landline #: 8983-1192
Hanapin ang mga sumusunod
Enrolment Focal Person: Mr. Eddie Mendez
Kinder: Mrs. Chona C. Mendez
Grade 1: Mrs. Ruth D. Santos
Grade 2: Mrs. Linda T. Tejerero
Grade 3: Mr. Ventura M. Numbrera
Grade 4: Mr. Ariel Fernandez
Grade 5: Mrs. Evangeline Alvarez
Grade 6: Mrs. Perla R. Quejada
ON SITE ENROLLMENT
Kung ayaw mo naman ng Online Enrollment, simula June 16 – 30, 2020 ay maaring kumuha ng enrollment form sa mga Kiosk Box sa mga itatalagang lugar na sa inyong barangay. (Mga Purok, Brgy. Hall at sa mismong paaralan.)
Pagkatapos sagutan ay ibalik ito sa mismong pinagkuhanan.
Para sa mga katanungan tungkol sa enrolment form, maaaring magtanong sa Enrolment Focal Person na nagungulekta ng forms.
Lahat ng impormasyon ay pribado at gagamitin lamang sa paaralan.
Paalala: Sumunod po tayo sa mga alituntuning pangkaligtasan.
Magsuot ng facemask at kung kaya pati face shield.
Pagsunod sa proper physical distancing.
Sana po ay makatulong sa inyo. Ingatan po ang mga bata and keep safe.