“Brigada Eswela? May nakakahawang sakit sa paligid.”
“Brigada Eskwela? Wala namang pasok.”
Subukan mong humarap sa salamin at sabihin mo ang mga tanong na iyan.
May tama ano?
Pero ang nega sobra!
Kung iisipin mo nga naman. Walang wala ang Brigada Eskwela 2020 sa COVID 19. Halos lahat ng ginagawa sa Brigada ay face to face.
Pero sa positibong pananaw, sa ayaw at sa gusto natin itong sitwasyong kinasasadlakan natin ay lilipas din.
Mawala man o manatili ang COVID 19 ay meron na tayong tinatawag na NEW NORMAL.
Tumulong ka man at sa hindi may paaralan tayong madadatnan. Siyempre ang klase ng paaralang naghihintay sa atin sa dulo ng quarantine ay depende sa ating pamahalaan. Paaralang handa sa NEW NORMAL o PAARALANG NAGHAHANDA PALANG.
![](https://cherrysclassroom.com/wp-content/uploads/2020/06/IMG_20200628_164632-1-1024x1024.jpg)
![](https://cherrysclassroom.com/wp-content/uploads/2020/06/IMG_20200628_164408-1024x1024.jpg)
Harapin natin ang katotohanan na ang ating bansa ay isa sa mga tinatawag na Third World Country. Limitado ang kakayanang pinansyal. Kaya dito pumapasok ang Brigada Eskwela. Sa gamit palang sa paaralan ay salat na, paano pa kaya ngayong nangangailangan tayong makisabay sa New Normal?
Kung tayo ay magtutulungan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, mas maihahanda natin ang paaralan.
![](https://cherrysclassroom.com/wp-content/uploads/2020/06/Collage-2020-06-28-17_29_54-1024x1024.jpg)
Ang tanong paano tayo makikiisa kung nasa paligid lang ang hindi nakikitang kalaban?
Paano Makiisa sa Brigada Eskwela?
Donation. Magtxt o tumawag sa numero ng inyong mga public schools kung ano ang pede mong maidonate. Narito ang halimbawang panawagan sa paaralan:
![](https://cherrysclassroom.com/wp-content/uploads/2020/06/IMG_20200628_174630-558x1024.jpg)
![](https://cherrysclassroom.com/wp-content/uploads/2020/06/IMG_20200628_180447-1024x695.jpg)
Ang bawat paaralan ay may kanya kanyang pamamaraan para mangalap ng mga donasyon. Halimbawa ay si LALABOY (Sir Eric) ng PVES na siyang official courier ng PVES BRIGADA ESKWELA 2020.
![](https://cherrysclassroom.com/wp-content/uploads/2020/06/IMG_20200628_184603-1024x824.jpg)
Makilahok sa mga Contest. Ang bawat paaralan ay may mga patimpalak na konektado sa Brigada Eskwela 2020 na hindi nangangailangan ng face to face na ugnayan. Halimbawa nito ang sumusunod.
![](https://cherrysclassroom.com/wp-content/uploads/2020/06/received_717265822430881.jpeg)
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10163754419290394&id=630590393
Maging tagapakalat ng impormasyon. Karamihan sa atin ay may mga social accounts. Ito na ang tamang panahon para magpakalat ng tamang impormasyong makakatulong sa paaralan.
Oo, lamang na talaga ang COVID 19, pero ang Brigada Eskwela 2020 ay lumalaban parin. Hindi pwedeng sumuko para sa kinabukasan ng bansa natin.
Makiisa ka man o hindi, ipikit mo man ang mata mo habang ang lahat ay naghahagilap na ng paraan upang makibrigada, ang BRIGADA ESKWELA 2020 ng Department of Education ay paulit ulit na babangon para sa kinabukasan ng bayang ito.
Paghahandaan ng paaralan ang tamang panahon na muli itong magbubukas. Nawa’y makiisa ka sa hangarin nitong makabangon ang lahat.
“Education is the passport to the future, for tomorrow belongs to those who prepare for it today” – Malcolm X
May pag-asa sa Brigada Eskwela.
“For nothing will be impossible with God.” – Luke 1:37