Ngayong school year 2020-2021, hindi lahat ay kaya magOnline Learning. Ang iba ay magsasailalim sa Modular Learning.
Paano isasagawa ang Modular Learning?
Mga salitang dapat tandaan:
🍒Learning Packet– Isang malaking lagayan (sa PVES malaking plastic envelope ang ginamit naming Learning Packet) na naglalaman ng mga modules bawat linggo.
🍒 Pigeon-Hole mga shelf na lagayan ng mga Learning Packets. Nakaayos ito by grade and section.
🍒Module– Dito mababasa ang mga aralin at mga dapat matutunan ng mga bata. Laman din nito ang mga mga dapat sagutan para sa buong linggong aralin.
Mga dapat gawin:
- I–enrol sa Modular Learning ang bata. Mula June 1 ay nagsimula na ang Online at On site Enrolment. Piliin lang sa Enrolment Form ang Modular Learning.
2. Alamin ang Pangalan ng Teacher at Section ng Bata. Siguraduhing alam mo ang pangalan ng teacher at ang section ng inyong anak upang malaman kung saang parte ng Pigeon Hole makukuha ang kanyang Learning Packet. Maaring malaman ang mga impormasyon sa Official FB page ng PVES:
https://www.facebook.com/thepilar/
3. Kumuha ng Learning Packet sa Pigeon-Hole. Ang Learning Packet ng bawat mag- aaral na nakaenrol sa PVES ay may kanya kanyang pangalan, kaya siguraduhin lang kung kaninong teacher at anong section nakaenrol ang anak. Ang unang Learning Packet na matataggap ng inyong anak ay maglalaman ng mga sumusunod:
🍒mga libro
🍒mga modules
🍒 Instructional Plan (para sa mga magulang)
🍒libreng face mask galing sa mga donasyon sa Brigada Eskwela 2020
🍒abakada sa mga mag-aaral sa Grade 1( galing sa mga donasyon sa Brigada Eskwela 2020)
*Mahalagang makipag-ugnayan sa guro ng inyong anak kung mag-aasign ito ng araw kung kailaan pwedeng kumuha ng Learning Packet at kung kailan niya ito ipapabalik upang macheck.
SA KAUNA-UNAHANG PAGKUHA NG MGA LEARNING PACKETS:
Asahan na hindi magkasya sa loob ng Pigeon-Hole ang mga Learning Packets dahil sa mga libro. Ang PVES ay maglalaan ng mga lugar sa loob ng paaralan na siyang pansamantalang angkop na pagkukuhanan ng mga ito para sa unang araw.
4. Ipabasa sa Bata ang mga Modules at Pasagutan. Ang mga modules na matatanggap ay babasahin at pag-aaralan ng mga bata upang masagutan ang mga worksheets na nakalakip dito.
5. Ibalik sa Paaralan ang Learning Packet. Pagkatapos masagutan ang mga modules ay ibalik sa paaralan ang mga Learning Packets upang maiwasto ng mga Teacher ang mga Activity Sheets. Maglalaan si Teacher ng kahon ng kanyang section para sa mga ibabalik na Learning Packets.
*Mahalagang makipag-ugnayan sa guro ng inyong anak kung mag-aasign ito ng araw kung kailaan pwedeng kumuha ng Learning Packet at kung kailan niya ito ipapabalik upang macheck.
Update:
Noong July 25, 2020 ay nag umpisa ang dry run ng Modular Learning ng PVES. Dinaluhan ito ng mga magulang ng Grade Six Amorsolo, Kinder Saging at Kinder Papaya sa gabay ng kanilang mga guro na sina Master Teacher Medardo Dilig at Teacher Cheloubel Badayos. Kasama din sa dry run ang mga mag-aaral ng ALS at ang kanilang guro na si Teacher Anamie Delos Angeles.
Video Clip by: Teacher Joyce Bernardo
Bilang isang magulang ano ang maiaambag ko sa MODULAR LEARNING?
Gabayan ang mga anak sa pag-aaral gamit ang mga modules. –Ms. Imelda Serafico (Master Teacher)
Maging kaagapay ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyong pang-edukasyon. – Mr. Edsel Acuba (Master teacher)
Disiplinahin ang mga anak na aralin at gawin ang mga modules at worksheets. – Mrs. Maria Dulce T. Terrado (Master Teacher)
-Ang mga magulang ang magsisilbing kaagapay ng mga guro sa pagkatuto ng mga mag aaral sa ating bagong sistema ng pag -aaral . Sa kanila nakadepende ang panuntunan kung paano nila bibigyan ng tamang paggabay at disiplina sa tamang iskedyul ang mga mag -aaral upang makasunod sa mga araling nakatakda sa bawat asignatura.Tulungan sila na lubos na maunawaan ang mga araling nkapaloob sa bawat modyul na ibibigay ng kanilang guro at maisumite sa takdang panahon at maging handa sa mga susunod pang aralin. Huwag ding kakaligtaan ang palagiang pag – iingat at pagsunod sa “safety measures” sa lahat ng oras .Sa ganitong paraan, magiging maayos ang pagkakatuto ng mga mag -aaral sa kabila ng nararanasan nating “New Normal” – Mrs. Evelyn P. Amorsolo (Master Teacher II)
Sobrang napkahalaga ng tulong at suporta na kailangang ibigay ng mga magulang para sa edukasyon sa ganitong panahon na kung saan ay di pwede ang face to face learning system. Sila ay makakatulong ng malaki sa pamamagitan ng pagsunod, pakikiisa at suporta sa mga alituntunin na ilalabas ng DepEd. Unang una na diyan ang pakikipagcommunicate sa mga adviser ng kanilang anak upang agarang masolusyunan ang problemang maaaring kaharapin tulad nalang ng pagkuha ng mga learning packet at kung paano nila gagabayan ang kanilang mga anak upang matutunan ang mga aralin. Ilan lamang yan sa mga pangunahing tulong na maibibigay nila sa panahong ito upang kahit papaano ay maisulong natin ang Edukalidad sa ating bansa. – Mr. Eddie B. Mendez (Master Teacher)
Ang Deped ay patuloy na mghahanap ng mainam na pamaraan upang hindi maantala ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Ang pagkaantala ng kanilang pagkatuto ay hindi mainam sa kanilang paglago. Habang bata pa mas malaki ang kanilang kapasidad na matuto.
Ang sitwasyon natin ngayon ay pansamantala lamang. Limitado man ang mga magagawa natin ngayon para sa mga mag-aaral, atin parin itong pagsikapan para sa kinabukasan. Matatapos din ang dagok na ito sa awa ng Diyos.
Ito iyong mahalagang pagkakataon para sa mga magulang na tumulong. Kung dati inaasa lang sa mga guro ang edukasyon ng mga anak natin, ngayon higit silang kailangan ng mga bata. Hindi ligtas lumabas sa bahay ang mga bata. Ang pagsubaybay nila at paggabay sa mga anak ang susi sa patuloy na edukasyon ng mga bata. –Mr. Rodulfo Magdamit
Matthew 19:26
Jesus looked at them and said, “With man this is impossible, but with God all things are possible.”
16 replies on “Paano ang MODULAR LEARNING sa PVES”
Salamat po sa pag-unawa sa amin…
Thank you so much my cheche❤️.. Share ko dn to.💗
Salamat
thank you ma’m Cherry sa pagpapaliwanag about our “new normal”. God bless and more power. <3
Magpapaorientation din po ang school.
Galing! Concise and comprehensive ate!😉
Salamat Rhizzy
Salamat po sainyo
Salamat din po sa pag-unawa.
thank you teacher cherry sa maliwanag na information 😘
Salamat po
thanks to all teachers and management of PVES for making this so much helpfull to us parents i am a firstime mom of a kinder student this is also new to me but to your help we can make it possible in jesus name
hello to my former teachers and to my PVES batch 2001
Amen po
Amen po
Thank you so much all teachers for explaining our new normal way of schooling.. what if the parents itself doesn’t understand the lesson and the students too, with whom shall ask a help po?
Yes po this is one of the challenges that we will be facing this school year. You may ask their teacher regarding the lessons so you will be guided.