Paano mag-enrol sa PVES?
May dalawang paraan para mag-enrol.
- Online Enrollment
- On Site Enrollment
Alamin.
ONLINE ENROLLMENT
Simula June 1, 2020 gamit ang inyong laptop, tablet o cellphone ay makipag-ugnayan sa dating guro ng inyong mga anak upang malaman ang ankop na online enrolment sa inyo.
Narito ang dalawang ONLINE ENROLLMENT na inyong mapagpipilian:
1. Sariling pagsagot sa Learner Enrolment Survey Form (LESF). Ibibigay ni teacher ang link ng Google Form na inyong sasagutan gamit ang inyong laptop, tablet o cellphone.
2. Online interview. Si teacher ang maaring sumagot sa Learner Enrolment and Survey Form (LESF) para sa inyo sa pamamagitan ng phone call o text messages.
Para sa mga Incoming Kinder, Transferees, Balik Aral at ALS enrollees ay maaaring tumawag mula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m- 4pm sa mga sumusunod na numero.
Mobile # 09611820706 Landline #: 8983-1192
Hanapin ang mga sumusunod
Enrolment Focal Person: Mr. Eddie Mendez
Kinder: Mrs. Chona C. Mendez
Grade 1: Mrs. Ruth D. Santos
Grade 2: Mrs. Linda T. Tejerero
Grade 3: Mr. Ventura M. Numbrera
Grade 4: Mr. Ariel Fernandez
Grade 5: Mrs. Evangeline Alvarez
Grade 6: Mrs. Perla R. Quejada
ON SITE ENROLLMENT
Kung ayaw mo naman ng Online Enrollment, simula June 16 – 30, 2020 ay maaring kumuha ng enrollment form sa mga Kiosk Box sa mga itatalagang lugar na sa inyong barangay. (Mga Purok, Brgy. Hall at sa mismong paaralan.)
Pagkatapos sagutan ay ibalik ito sa mismong pinagkuhanan.
Para sa mga katanungan tungkol sa enrolment form, maaaring magtanong sa Enrolment Focal Person na nagungulekta ng forms.
Lahat ng impormasyon ay pribado at gagamitin lamang sa paaralan.
Paalala: Sumunod po tayo sa mga alituntuning pangkaligtasan.
- Magsuot ng facemask at kung kaya pati face shield.
- Pagsunod sa proper physical distancing.
Sana po ay makatulong sa inyo. Ingatan po ang mga bata and keep safe.
*Special thanks to Teacher Shiela Rose Banate for the video.
7 replies on “Paano Mag-enrol S.Y. 2020-2021? Pilar Village Elementary School”
Nice.
Slamat fren sa malinaw na impormasyon😇👍👌
Mahalagang gabay sa mga magulang upang lubos na maunawaan ang proseso ng pagpapatala sa darating na pasukan sa PVES..tnx Tr. Che
Thanks che❤️ sa malinaw n info.👍👍👍
Madaling intindihin.
Galing👏👏👏
goodmorning pwede pa po ba ma enroll yung anak ko sa kender po 5 napo sya galing po sya ky tr au po thank you
Mrs Biverlie Dirigan, according sa mga Kinder teachers ng Pilar, tumatanggap po sila.. narito po ang link..madali ninyo po sila makausap jan.
https://www.facebook.com/thepilar