Categories
Life in School

Paano MakiPVES Brigada Eskwela 2020 (Anong Tulong ang Makakaya Kong Ialok?)

Nais mo tumulong ano?

Sa panahon ngayon lahat tayo ay nangangailangan din ng tulong.

Ang PVES Brigada Eskwela 2020 ay naglalayong makatulong hindi lamang sa paaralan,kung hindi pati narin sa komunidad.

Alam mo ba na may mga paraan na hindi mo na kailangang pumunta sa paaralan upang makibrigada? Higit sa lahat hindi lahat ng aktibidad ng PVES Brigada Eskwela 2020 ay nangangailangan ng pinansyal mong suporta.

Alamin natin ang mga paraan na aangkop sa inyo upang makibahagi sa PVES BRIGDA ESKWELA 2020.

Maging aktibo sa pagkalat ng impormasyong pamBrigada Eskwela 2020. Panahon nang gamitin ang ating mga social accounts sa facebook, youtube, twitter, Instagram at iba pa sa pagpakalat ng mga tamang impormasyong makakatulong sa Brigada Eskwela. Ating himukin ang ating mga friends at followers na makiisa sa pagbangon ng kalidad ng edukasyon hindi lamang sa ating baranggay pati narin sa buong Pilipinas.

  1. Eshare ang mga infographics na pinapakalat ng Facebook page ng PVES BRIGADA ESKWELA 2020.
  2. Maaring pansamantalang lagyan ng Brigada Eskwela 2020 frame ang inyong Profile Picture sa Facebook. Isang paalala na kayo’ y kabrigada. Halimbawa ay ang mga sumusunod na profile pictures:
Available sa Facebook frames sa profile picture ng account ninyo.

May Premyo sa Hardin mo. Ito ang isa sa pinakamagandang programa ngayong ng PVES BRIGADA ESKWELA 2020, kung saan hinihimok ang lahat na magtanim. Ito’y walang bayad. Sa halip ang mga kalahok ay makakatanggap ng mga starter kits upang makapag umpisa nang magtanim.

Starter kits from YOUTH UPRISING

Narito ang infographics kung paano.

Donation. Magtext o tumawag sa numerong 09273569894 at hanapin si Ma’am Shirley R. Parreno ang Brigada Eskwela Chairman PVES upang ipagbigay alam ang ditalye ng inyong mga maidodonate. Lahat ng donasyon ay tinatanggap ng paaralan, maliit man o malaki, konti man o marami basta’t sa ikabubuti ng mga kabataan.

Kapag ang problema ay hindi makalabas ng bahay para magdonate, wag mag alala ang PVES ay may LALABOY (Sir Eric Tabuzo) ang official courier ng PVES BRIGADA ESKWELA 2020 na siyang ready magpick-up ng donation ninyo. Narito ang mga halimbawa ng maaari ninyong maidonate:

Ang malilikom na mga ABAKADA ay para sa mga mag-aaral ng PVES.

Narito pa ang ilan sa mga halimbawa ng maaari mong maidonate.

Talagang malaking tulong ang mga donasyon lalo na kung kaya mo. Kahit paisa-isa o bultuhan man yan, pag pinagsama ay makakapagbahagi na sa lahat ng grade levels na lubos na nangangailangan ng ganitong materyales.

Sa mga hindi naman makapagdonate ay may paraan upang ikaw ay makibrigada. Iparamdam mo lang na ikaw ay kaisa namin sa hamong ito. Kung gusto may paraan.

Makiisa, makiPVES BRIGADA ESKWELA!

“And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased.”Hebrew 13:16

Teacher Cherry

By Teacher Cherry

As a teacher, I am a member of a team in our society, assigned to retain learnings in my students. I owe this to the community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *