Categories
Life in School

Paghahanda sa mga Mag-aaral sa New Normal Classes

Ang New Normal ay nababakas na sa kasalukuyan nating pamumuhay.

Hindi natin namamalayan na kusa na nating ginagawa ang mga health protocols na binababa sa atin ng DOH. Mapapansing madalas ay hindi na kailangan pang paalalahanan ang karamihan na magsocial distancing o magsuot ng facemask. Alam na ng lahat na ang tamang paghuhugas ng kamay ay isang paraan sa pag-iwas sa sakit.
Sa pagbubukas ng klase, panibagong new normal nanaman ang ipakikilala natin sa ating mga mag-aaral. Siguradong maninibago ang mga bata, kaya mas mainam na sila ay maihanda sa New Normal Classes.
Narito ang mga pinagsama- samang payo mula sa ating mga kaguran para sa paghahanda ng ating mga anak sa New Normal Classes.

  1. Regular Study Time
  2. Study Corner
  3. Gadget Time
  4. Health Protocol
  5. Parental Guidance

Regular Study Time.

Unti-unting sanayin ang bata na mag-aral sa parehong oras araw-araw. Palaging ipaalala sa kanya ang oras ng kanyang pag-aaral hanggang sa masanay siya at kusa na niya itong gawin araw-araw.
Ngayong wala pang pasok, ilaan ang study time sa:

A. PAGBABASA

B. Pagsanay sa Four Fundamental Operations ng Mathematics. (Four Fundamental Operations ng Mathematics: Addition, Subtraction, Multiplication at division).

Ito ang mga kasanayang kailangan niyang mapaunlad lalo na sa Modular Learning.
Isaisip na ang mga bata ay sadyang nangangailangan ng paalala kaya masanay narin tayong paulit-ulit na nagpapaalala sa kanila.


Study Corner.
Maglaan ng lugar sa loob ng bahay na magiging study area ng bata. Hindi kailangang ito ay malawak. Maaaring ito ay nasa isang sulok ng bahay lamang at hindi nadadaan-daanan.


Gadget Time.
Ang lahat ng sobra ay nakasasama.
Sa panahon ngayon na wala silang halos mapaglibangan sa loob ng bahay ay lalo silang nahuhumaling sa cellphone, computer at iba pang gadgets. Kung tayong mga matatanda ay nahihirapang kumawala sa libangang ito, ganoon din ang mga bata.
Mainam na gawing reward ang Gadget Time pagkatapos ng Study Time. Sa ganitong paraan ay pursigido silang tapusin ang kanilang oras ng pag-aaral. Hayaan silang masanay na may oras din ang kanilang paglalaro ng gadget upang may oras parin sila sa pamilya at sa mga gawaing bahay.


Health Protocols.
Ang mga health protocols ay nararapat na hindi lang alam ng mga bata, dapat sanay din silang gawin ito. Ang tamang paghugas ng kamay kahit na nasa loob lang ng tahanan ay mainam na paraan sa pag-iwas sa sakit. Lalo na sa parating na New Normal Classes.


Parental Guidance.
Hindi kailangang maging teacher para matuto ang anak. Ang simpleng pagtanong lang ng kung ano ang napag-aralan ng bata ay maari nang humantong sa marami pang tanungan o mas mainam na usapan. Isa itong paraan ng paggabay sa pag-aaral ng anak. Makatutulong na masanay silang nagtatanong ang magulang pagkatapos ng itinakdang oras ng pag-aaral. Ang pakiramdam na alam nilang inaalam mo bilang magulang ang mga natutunan nila ay isang paraan ng pagsanay at pagpupursige sa kanila na intindihing mabuti ang kanilang pinag-aaralan.

Narito pa ang ilang payo mula sa ating mga kaguruan:

Bilang magulang, ibayong paghahanda ang aking ginagawa para sa new normal classes ng aking anak. Una, sinigurado ko na nakapagpatala ang aking mga anak sa paaralang papasukan nila. Dahil kakaiba ang magiging pamamaraan ng pag-aaral ngayon, pinag-isipan ko kung anong learning modality ang nararapat sa aking mga anak. Kasabay ng kagustuhan ko na makapagpatuloy sila ng pag-aaral, nais ko ring tiyakin ang kanilang kaligtasan. Naging open ang komunikasyon namin ng magiging guro ng anak ko para updated sa mga impormasyon patungkol sa bagong set up ng pag-aaral sa New Normal. Madalas ko ring kausapin ang aking mga anak kung ang ano-ano dapat gawin habang hindi nagsisimula ng klase gaya ng pagbabasa ng aklat, panonood ng mga makabuluhang palabas sa telebisyon at iba pang makabuluhang gawain na makakatulong na mapaunlad ang kanilang kaisipan. Teacher Ma. Gracia R. Mapula

Reading and review sa math through window cards ang dapat pagtuunan para handa ang bata pagdating ng modules.- Teacher Sheen Lee

Sanayin din sila sa arts or musical instruments para hindi puro gadgets.Teacher Real Rose Advincula